Una sa Balita

Harden-Capela umalsa, 2nd round nasapol ng Rockets!

By
0 757

Abante sa next round ang top-seeded Houston matapos kalusin ang Minnesota, 122-104, sa Game 5 ng kanilang first-round series Miyerkoles ng gabi.

Nagsumite ng 26 points at 15 rebounds si Clint Capela, nag­liyab sa third quarter si James Harden tungo sa 24 points at may 12 assists pa.

Ihu-host ng Rockets ang first two games ng Western Confe­rence semifinals laban sa mananalo sa Utah-Oklahoma City series. Idinikit ng Thunder ang serye sa 3-2 pagkatapos ng 107-99 Game 5 win.

Abante Hiring – IT dep

Kalahati ng 30 points ng Houston sa third ay nilista ni Har­den nang kumalas ang Rockets. Pinantayan ng 15 points niya ang total team output ng Timberwolves sa period.

“I knew that Minnesota wasn’t going to just go away,” giit ni Harden. “We had to to the right things to put them away.”

Nagsalansan si Karl-Anthony Towns ng 23 points at 14 rebounds, may 20 points off the bench si Jamal Crawford para sa Wolves na ngayon lang ulit nakarating ng post­season sapul noong 2004.