Una sa Balita

Harden, Capela tiniris ang Nuggets

By
0 296

HINDI makawala si James ­Harden sa double-team ­tuwing nakakahawak ng bola, naghanap siya ng ibang ­Houston Rockets teammate na ­papatay sa Denver Nuggets.

Si Clint Capela ang ­naging taga-tanggap ng pasa ni Harden.

Umiskor si Capela ng career-high 31 points at tinakasan ng Rockets ang Nuggets, 125-113, nitong Lunes.
“He did what he was supposed to do,” wika ni Harden na nagsumite pa rin ng 32 points. “He finished. He played extremely well. Played hard.”

Naglista rin si PJ Tucker ng career-high seven 3-pointers tungo sa season-high 21 points para sa Houston, kinolekta ang pang-12 panalo sa huling 14 na laro.

Sa first two quarters ay sinubuan nang sinubuan ni ­Har­den si Capela, na may 19 points na sa halftime.
Abante na ng 11 ang ­Houston sa dalawang free throws ni ­Torrey Craig, 5 1/2 minutes pa sa laro bago nagsalpak ng magkasunod na 3-pointers sina Tucker at Harden tungo sa 117-100 advantage.

Umayuda pa ng 21 points sa likod ng anim na 3-pointers si Gerald Green para sa Houston, nagpasok ng total 22 3s.
May 24 points si Nikola Jokic sa Nuggets, naputulan ng five-game ­winning streak.

Namigay si Harden ng 14 assists, may anim na 3-pointers at umiiskor na ng at least 30 points sa pang-13 sunod na laro. ()