Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Harden, Brooklyn nilambat Clippers

0 107

WALO lang ang pinag-uniporme ni Brooklyn coach Steve Nash sa pagharap sa kumpletong Clippers sa 2020-21 NBA regular season game sa Staples Center sa California Linggo ng gabi.

Buong larong naghabol ang Los Angeles, binura ang 15-point deficit pero kinapos ng isang basket para agawin ang panalo.

Day-to-day si Kevin Durant (hamstring), muling nagsalitan sina James Harden at Kyrie Irving sa pagkamada ng puntos para ihatid ang Nets sa 112-108 panalo.

Kung hindi umiiskor, nakikipag-unahan sa board si Harden o sinusubuan ang mga kakampi at tumapos ng 37 points, 11 rebounds at 7 assists. Naglista si Irving ng 28 markers at 8 dimes.

May double-double pang 13 points, 11 rebounds si De’Andre Jordan, tig-13 points din sina Joe Harris at Bruce Brown sa Brooklyn.

Pasabog ng 34 points, 6 rebounds at 7 assists si Paul George pero hindi naisalba ang Clippers. May 29 points at 13 rebounds pa si Kawhi Leonard. (Vladi Eduarte)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.