Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Harden ayaw ng P2.6 bilyon

0 100

NAGPAPATAAS ng presyo si James Harden? Hindi rin, siya pa ang tumulong sa 76ers.

Hindi tinanggap ng one-time MVP ang option na $47.4 million (lampas P2.6 bilyon) para sa susunod na NBA season sa Philadelphia.

Free agent na si Harden, pero wala raw siyang balak na layasan ang 76ers.

Umaasa lang ang The Beard na makahanap ng dagdag na de-kalibreng player ang Philadelphia.

Ayon sa mga ulat, desidido si Harden na tumanggap ng mas mababa. Tulong niya sa team para lumuwag ang cap at makabingwit ng iba pang piyesa na sasakto sa kalibre nina Joel Embiid at Harden.

Magiging mas maangas na championship-caliber team ang 76ers kapag nakakuha ng sahog na mainam-inam mula sa free agency. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.