Una sa Balita

Harden, 2 pang MVP banat sa NBA opening

0 236

SA bihirang pagkakataon, tampok ang huling tatlong NBA MVP winners sa regular season opening match ng Milwaukee Bucks sa Houston.

Sina Rockets guard James Harden na 2018 winner, bagong Houston guard Russell Westbrook noong 2017 habang nasa Oklahoma City pa, at si 2019 MVP Giannis Antetokounmpo ng Bucks.

Exit na sa FIBA World Cup ang Greece, makakapahinga na si Antetokounmpo bago sumabak sa training camp ng Milwaukee sa Oct. 1. Sa Oct. 7 ang preseason opener ng Bucks kontra Chicago Bulls, bubuksan ang regular season sa Oct. 24 sa Houston.

Walang malalaking NBA stars sa World Cup, inasahang dodominahin ni Antetokounmpo ang torneo at malayo ang mararating ng Greece.

Pero maagang natapos ang kampanya ni Antetokounmpo, exit agad pagkatapos ng second round.

Ang siste, kinailangan ng Greece na manalo ng 12 sa Czech Republic para umabante sa knockout quarterfinals.

Nanalo nga ang Greeks pero kinulang ang 84-77 margin noong Lunes.

Natawagan pa ng kuwestiyonableng foul ang Greek Freak sa kalagitnaan ng fourth, panlima niya 8 minutes pa sa laro.

Kuha na ng Greeks ang 12-point margin, naibaba sa 10 bago ang foul ni Antetokounmpo.

Kahit dismayado sa kampanya ng Greece sa China, masaya na rin si Thanasis Antetokounmpo na nakasama niya ang kapatid sa World Cup stage.

“It was a dream come true,” ani Thanasis, magiging kakampi na rin ni Giannis sa Bucks sa susunod na season. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy