Una sa Balita

Happy sa ibibigay na umento Duterte, Angara iisa ang misyon sa mga guro

0 593

PINURI ni Senator Sonny Angara si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong ipahayag ang napipintong pagpapataas sa sahod ng mga guro sa buong bansa.

Taong 2016 pa nang isulong ng senador ang salary adjustment ng mga guro at dahil sa pahayag na ito ng Pangulo, umaasa si Angara na tatapatan ng hakbang na ito ng punong ehekutibo ang antas ng teachers salary na kanyang ipinanukala, dalawang taon na ang nakararaan.

“Masaya tayo dahil iisa ang adhikain namin ng Pangulo pagdating sa kapakanan ng public school teachers. Napakahalaga na kilalanin natin ang kanilang importansya sa lipunan lalo na sa sektor ng edukasyon,” ani Angara.

“Isa ang mga guro sa mga taong may pinakamahihirap na trabaho kaya’t angkop lamang na bigyan din natin sila ng pagpapahalaga tulad ng salary increase,” ayon pa sa senador.

Mababatid na mu­ling nangako si Pangulong Duterte sa mga guro na itataas ngayong taon ang kanilang sahod, subalit hindi nga lamang nito nilinaw kung ilang porsyento ang idaragdag dito. Gayunman, posibleng manguna ang teachers salary increase sa ikaapat at huling bahagi ng salary increases para sa mga empleyado ng gobyerno ngayong taon.

Matatandaang noong nakaraang taon pa ipina­ngako ng Pangulo sa mga guro ang salary increase, matapos nitong doblehin ang pasahod sa mga kagawad ng militar at pulisya.

Kongresman pa lamang ng lalawigan ng Aurora si Angara nang simulan nito ang pagsusulong na itaas ang pasahod sa mga guro.

Nang maging senador, mas pinaigting niya ang pagtutulak sa teachers’ sa­lary increase at nagpanukala ng mga antas na sisiguro ng magandang pasahod sa mga ito.

Sa kanyang Senate Bill 135 na itinulak noong Hun­yo 2016, partikular niyang hiniling na i-adjust ang miminum salary grade le­vel ng teachers. Ibig sabihin, nais ng senador na gawin ding doble ang pasahod sa mga ito.

Tinatayang 35,000 faculty members sa kasalukuyan ang posibleng makinabang sa panukalang ito ng senador.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy