Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Happy lang para kay Madam Cong. Bakuna!

0 167

Ngayong nag-uumpisa nang dumating ang pinakahihintay ng lahat na bakuna laban sa coronavirus disease of 2019, nag-uumpisa na ring magparamdam ang samu’t saring mga problema.

Sari-saring isyu na kung dededmahin ay pagmumulan ng problema sa pangkalahatan.

Napakatagal nating hinintay ang pagdating ng bakuna. Dapat ay Pebrero pa ito dumating pero inabot na nga tayo ng Marso. Kung titingnan mo nga ang iba’t ibang bansa, talagang nahuli na ang Pilipinas sa pagbabakuna. Nauna pa nga sa atin ang mas mahihirap pang bansa.

At gaya ng inaasahan pinakaunang dumating ang Coronavac o Sinovac na mula sa “BFF” natin—ang bansang China. Pero saan mang bansa nanggaling ang bakuna natin, hindi dapat masayang ang bawat dosis ng bakuna.

Alam din nating lahat na ang pagbabakuna ay may sinusunod na iskedyul. May listahan na binuo ang Interim National Immunization Technical Advisory Group (INITAG) –ang grupo ng health experts na kinokonsulta ng IATF o Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases. Ang nabuong listahan ang nagsisilbing gabay ng pamahalaan kung sinu-sino ang mga dapat unahing turukan ng bakuna. Hindi puwedeng may mag-overtake sa pila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

At siyempre pa, ang pinakauna sa lahat ay ang pinaka-importanteng sector –ang ating mga health and medical frontliners dahil sila ang araw-araw na nae-expose at nanganganib mahawa sa COVID-19.

Alam din ito ng ating mga mambabatas. Alam nilang pampito lamang sila sa order of priority. Kahit kabilang sila sa government workers ay hindi sila ang pinakauna. Pero wait, teka muna. Bakit itong si Madam Congresswoman Helen Tan ay nauna na sa pagpapabakuna? Si Madam Congresswoman Tan ang pinakaunang miyembro ng Kamara de Representantes na nagpaturok ng COVID-19 vaccine. Ang kanyang katuwiran, nasa katuwiran daw siya dahil “immediate family” siya ng kanyang anak na doctor sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC). Siyanga pala, isa ring doktora si Madam Cong. Tan pero hindi na siya medical frontliner.

Sana naman ay nanaig ang delicadeza kay Madam at nakiayon na lamang siya sa order of priority kung saan bilang mambabatas ay nasa pang-pitong baitang pa siya. Mas maganda sana kung pinili ni Madam Cong. Tan na maging “mabuting halimbawa” bilang isang kinatawan sa Kongreso.

Taliwas din ang ginawa ni Madam Cong. Tan sa sinabi ni House Speaker Lord Allan Velasco na magpapahuli na lamang silang mga kongresista at uunahin nila ang mga empleyado ng Kamara, miyembro ng media, kasama ang kanilang immediate family members. Malinaw sa lahat na kung ang mayorya sa mga kongresista ay magpapaubaya muna para unahin ang ibang tao sa libreng bakuna, kaiba si Madam Cong. Tan. Feel niyang mauna sa pila dahil ito’y rights daw niya bilang kapamilya ng isang doktor.

O sige na po Madam Bakuna, este Madam Congresswoman Tan, sabi nyo po ay karapatan nyo ang mauna sa pila ng libreng bakuna kaya happy na lang kami sa inyo at kayo’y naturukan na!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.