Una sa Balita

Happy ako sa boobs ko — Julia

By
0 693

Ang cute ng usapan nina Julia Barretto at Kuya Boy Abunda na sumentro tungkol sa kawalan ng boobs ng young actress.

Yes, aware naman si Julia na wala siyang boobs. I mean, malaking boobs na inaasam ng maraming kalalakihan.

At hindi naman niya idini-deny na hindi siya nagsusuot ng bra, dahil wala nga siyang boobs. Sa halip ay ang nipple tape ang ginagamit niya.

“Nahihirapan akong mag-bra kasi walang nakakapitan,” sabi niya.

Pero, may mga panahon ba na mas ginusto niyang magkaroon ng malaking boobs?

“I don’t recall na merong ganu’n. First time ko na-realize na flat cheste­d ako, nagpu-post ako, may iba na medyo bastos, nagku-comment na flat, flat, flat. So, nagtanong ako, ‘ano ba ‘yung flat?’ ‘Yun na nga, flat chested nga pala ako.

“Never siyang n­aging issue sa akin. Mas kumportable ako this way.

“Mas happy ako sa boobs ko!” sabi ni Julia.

Joshua Garcia mahilig sa malaking puwet

At dahil sa pagiging open niya tungkol doon, mas marami na raw babae ngayon na walang boobs ang hindi ikinahihiya ang sitwasyon nila.

“Well I think mas natuwa ako kasi mas naging confident ‘yung mga girls na (walang boobs). Natuwa lang ako na mas open na sila about it, mas proud na sila about it.”
Marami na nga raw ang nagtatanong sa kanya kung saan puwedeng bumili ng mga nipple tape.

Anyway, kung maraming lalake ang mas naa-attract sa mga babaeng malalaki ang boobs, meron din namang iba na type ang maliit ang boobs. Tulad daw ni Joshua Garcia na hindi naman naghahangad ng malaking boobs.

“Mas ano siya, attractive sa butt. Buti na lang. Hahahaha!” natatawang chika niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy