Una sa Balita

Happy 73rd birthday, Tatay Digong

By ,
0 7,200

DINAGSA ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-73 kaarawan mula sa mga ordinaryong mamamayan hanggang sa mga opisyal ng gobyerno.

Nag-post si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng lit­rato ng Pangulo kasama ang dalawang apo at sunod-sunod na ang mga bumati sa kanya mula sa mga kababayan at tinawag pa siyang Tatay Digong.

Happy Birthday Digong 1 🎈🎈🎈 good health paaarrteeey! 🎉🎉🎉

A post shared by Inday Sara Duterte-Carpio (@indaysaraduterte) on

Umaapaw din ang mga pagbati at dasal para kay Pangulong Duterte sa social media partikular ang kanyang mga tagasuporta at mga overseas Filipino worker.

Binati rin siya ng mga miyembro ng gabinete at ilang mambabatas kabilang sina Se­nate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel, Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III, Ralph Recto, Grace Poe at Gregorio ‘Gringo’ Honasan na pawang nagpahayag ng hangad na maging maayos ang kalusugan at humaba pa ang buhay ng Pangulo.

Maging si Chinese President Xi Jinping ay nagpaabot ng kanyang pagbati kay Pangulong Duterte sa isang pahayag na inilabas noong Martes, sinabi ni Chinese Embassy spokesperson Li Ling­xiao na ipinaparating­ ng pamahalaan ng China ang ‘sincere congra­tulations’ at ‘best wishes’ sa kaarawan ng Presidente.