Hapon nag-suicide sa hotel

By

Nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbigti sa sarili ang isang Japanese national sa loob ng inupahang silid sa isang hotel kahapon ng hapon sa Pasay City.

Nakapulupot pa sa leeg nito ang mahabang extension cord at nakatali sa pintuan nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakilala lamang ito sa pamamagitan ng xerox copy ng kanyang passport na si Takeshi Nakade, 46-anyos, ng Namayashi Japan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO4 Allan Valdez ng Station Investigation and Detective Ma­nagement Branch ng Pasay City Police, dakong ala-una ng hapon nang matagpuan ang biktima sa Room 320 sa ikatlong palapag ng hotel sa Pasay City.

Ayon sa report, dakong ala-1:14 ng hapon nang mag-check-in sa hotel ang dayuhan noong Abril 17 ng taong kasalukuyan. At hu­ling nakitang buhay dakong alas-11:53 ng gabi (Abril 17) na kung saan umorder ng kanyang pagkain.

Dahil sa 24-oras ang kanyang kinuhang kuwarto bandang ala-una ng hapon ay tinawagan ni Rosaline Callada, duty front desk officer ng hotel ang biktima sa room nito para ipaalam na tapos na ang oras ng check-in nito ngunit makailang beses na tinatawagan sa telepono ang dayuhan ay hindi ito sumasagot.

Agad naman ipinagbigay alam ni Callada sa kanyang supervisor na si Rhjay Horquia ang hindi pagsagot sa telepono ng kanilang customer.

Nahirapan pang buksan ng mga kawani ng hotel at pulisya ang pintuan dahil sa nakaharang ang dayuhan na kung saan ito nagpakamatay.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang papel na may nakasulat na mga pangalan ng kaanak ng dayuhan na pinatatawagan nito (sali­tang hapon) at iba pang gamit ng biktima.

SHARE