Una sa Balita

Hapilon nakapagpadala ng P1M sa Basilan

By
0 2

Kinumpirma ng militar na nakapagpadala pa ng halagang P1 milyon sa Basilan ang Abu Sayyaf Group (ASG) leader na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay Western Mindanao Command com­mande­r Lt. Col. Carlito Galvez na mahigpit ang monitoring ng kanilang puwersa kaugnay ng impormasyon na nasa Basilan ang ASG leader.

Samantala, hawak na ng mga awtoridad ang isa sa malapit na galamay ng grupong Maute na si Nasid Haji Fasad Datumatong.

Ang nasabing galamay ng mga Maute ay naaresto sa Marantao, Lanao del Sur.

Sa intelligence report, kasama ang inarestong suspek sa mga nagpasabog sa munisipyo ng Marantao at naghasik ng gulo sa bayan ng Butig noong nakalipas na taon.

Isasailalim sa interogasyon ang suspek at sisika­ping may makuhang impormasyon ang mga awtoridad na magbibigay ng lead para mapulbos na ang tero­ristang Maute.