Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hanoi SEA Games sambulat sa Mayo

0 166

ISASAGAWA ang ika-31 edisyon ng Southeast Asian (SEA) Games sa Mayo 19 hanggang 25, 2022 habang hinihintay ang opisyal na pahayag mula sa Vietnam Southeast Asian Games Organizing Committee.

Ito ang napag-alaman sa ilang opisyales mula sa Vietnam na tumanggi na ipakilala matapos ang pagpupulong na isinagawa ng Vietnam SEA Games Organizing Committee.

Related Posts

Una na iniutos ng SEA Games Federation sa Vietnam SEAGOC ang pagkukumpirma kung itutuloy nito ang ika-31 edisyon ng kada dalawang taong torneo o hindi habang iniatas din ang agad na pagtatalaga ng araw at petsa ng pagsasagawa ng mga torneo.

Iniulat na nakatakdang ipinalisa ng Vietnam SEAGOC ang petsa ng mga aktibidad at araw ng kompetisyon bago opisyal na ipahayag sa pagpupulong ng SEA Games Federation sa huling linggo ng buwan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.