Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hanggang langit ang limit ng pangarap

0 92

Ang relaxing ng panaginip ko at para bang totoo talaga, pero gusto ko pa rin na malaman kung ano ang kahulugan nito. ‘Yung unang part na natatandaan ko is nakaupo raw kami ng kaibigan ko tsaka isang katrabaho sa parang labas ng bahay. Nakatingin ako sa kalangitan, sa sobrang ganda daw e nag-picture talaga ako ng madami, tapos nagdo-drone shot daw kami at nakita ko ‘yung signage ng lugar kung nasaan kami, kaya lang nung paggising ko nakalimutan ko na agad. ‘Yung pangalawa naman is kasama ko pa rin ‘yung kaibigan ko, siya yung lagi kong kasama sa pagta-travel. Tapos nasa parang transient house daw kami at nagsusukat siya ng pang-ootd niya. Hindi ko na raw siya hinintay at nauna na akong lumabas para maglakad-lakad tapos napunta ako sa tabing-dagat.

  • Sky

Konektado ang kalangitan sa pagkakaroon ng kapayapaan at infinity o limitless na potensyal. Representasyon din ito ng ating mga emosyon.

Kung nakita mo na madilim ang kalangitan, ipinapakita nito na kinakabahan ka o natatakot sa maaaring mga susunod na araw. Kapag naman ito ay maaliwalas at asul, indikasyon ito na ang mood mo ngayon ay cheerful at happy.

Base sa ating emosyon, ang kalangitan ang kumakatawan sa ating isipan at point of view sa buhay, kaya may nagsasabi na ‘sky is the limit’. Ibig sabihin, lahat ng bagay ay pwedeng mangyari, kaya mong ma-achieve ang anumang bagay na naisin mo lalo’t walang pumipigil sa iyo.

Ang panaginip naman na ipinapakitang tila nakalutang ka sa kalangitan ay sumisimbolo sa iyong pagtakas sa reyalidad sa pamamagitan ng pagpigil o paglilimita sa sarili mong potensyal.

Sa huli, sinasabi ng unang bahagi ng iyong pangarap na malaki ang iyong goal para magkaroon ng maayos na buhay.

Para naman sa pangalawang bahagi n panaginip mo, sinasabi ng pagta-travel kasama ng kaibigan na gumagawa ka ng sarili mong daan patungo sa gusto mong marating. Marahil sa iba, kakaiba ka pero hindi nila alam na ito ang sarili mong style.

Ang kailngan mo ngayon ay makakuha ng suporta mula sa mga taong nasa paligid mo. Maaaring nakakaranas ka ngayon ng stress kaya hinahanap din ng katawan mo ang peaceful na environment.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.