Una sa Balita

Hanggang kailan sisigaw sa kalsada?

0 393

Dear Abante,
Napakaraming nangyayari sa bansa natin. Kaliwa’t kanan ang mga isyu na dapat sagutin at maaksyunan. Ngayon pa lamang ay napapaisip na ako kung paano sasagutin ni Pangulong Duterte sa kanyang ikatatlong State of the Nation Address ang lahat ng ito.

Pero bukod sa ulat sa bayan na sasabihin ni Pangulong Duterte, inaabangan ko rin ‘yung mga taong lagi na lamang nasa kalsada at nag iingay. ‘Yung iba dito sigurado mga talunang kandidato, na hindi pa rin maka-move on. ‘Yung iba naman ay ‘yung mga party-list group na ginagamit ang pondo ng bayan sa pagkikilos protesta. ‘Yung mga taong wala ng ginawa kundi mangalampag. ‘Yung mga taong kahit kailan ay hindi nakuntento sa pamamahala ng kung sino man ang nakaupo sa Malacañang.

Iniisip ko lahat ng ito dahil may mga anak ako na direktang maapektuhan ng mga nangyayari ngayon sa ating bansa. Sabi nga nila, kung may mga maling desisyon sa nakalipas ay may matinding epekto sa kinabukasan.

Ang huling baraha ay nakataya kung paano at ano ang higit na pahahalagahan ng mga namumuno sa ‘tin. Ganundin, hanggang kalian mag-iingay ang mga party-list group at makakaliwang grupo? Wala ba silang pamantayan or basehan man lamang ng pag-unlad at pagbabago kaya lahat na lang ay tinutulan nila?
Edgar Lalantacon

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy