Una sa Balita

Handog

By
0 456

Marami tayong memories na bumabalik pag nakikita natin sila.

‘Yung mga panahon na noong una nating nakilala ang mga taong espesyal sa buhay natin, eto ‘yung kantang tinutugtog sa radio… ‘yung kanta na naging background sa resto nu’ng sinagot tayo ng nililigawan natin. ‘Yung kantang nagpaiyak sa atin dahil ‘yung lyrics eh relate sa pinagdaanan natin dati. Lalo na ‘yung mga love song. Lalo na sa panahon ng kabataan natin… nu’ng mga edad 20 tayo. Nu’ng marami pa ta­yong oras para maglaboy para manood ng sine o makinig sa cassette tapes o long playing ng mga artist na sikat nu’ng mga panahong ‘yun.

Sa Biyernes, may malaking pagdiriwang sa Araneta. Concert ni Sharon Cuneta. Sa mga kaedad ko, siya ang pambansang idolo sa pelikula at local na kantahan. Panahon ng mga OPM o Original Pilipino Music. Panahon namin, siya ‘yung pinakasikat na artista at singer sa buong Pilipinas. Ma­lakas ang da­ting niya. Magaling ang packagin­g niya bilang artist. Parang lahat ng tao, mangha sa kanya at nakatutok sa buhay niya at mga ginagawa niya.

Dami niyang magagan­dang mga kanta. ‘Yung mga kantang ‘yun, kasama ‘yun ng mga naging karanasan na naming 80s pips sa buhay… na sa tuwing maririnig mo sa radio, bumabalik ‘yung mga magagandang nangyari na associated sa kanta niya.
Kaya puwede mong sabihin na lumaki ka sa panahon niya, lumaki kang kasama niya… kahit ‘di ka niya kilala… kahit masyado kang maliit para mapansin niya…

Sa Biyernes, concert niya sa Araneta. Maagang bumili ng tiket ang aking asawa… Natakot kaming maubusan… espesyal ‘yun para sa aming dalawa. Date na namin ‘yun.. Bilang pagpupugay sa pagiging bahagi niya sa aming dalawa at sa mga taong nabuhay ng 1980s manonood kami ni Atty. Elen. At sasariwain namin lahat ng mga nangyari sa buhay namin na sinapian ng mga kanta niyang sumikat.

Excited na kami.

Handog.

Tatanda at lilipas din ako ngunit mayroong awiting, iiwanan sa inyong alaala…
Dahil, minsan tayo’y nagkasama.

Sakto ‘yung kanta ni Florante sa topic ko ngayong araw.

Sa bawat chapter ng buhay natin, may mga kasabayan tayong ‘di natin namamalayan eh nagiging icon ng ating mga panahon.

Sila ‘yung mga sikat na singer o ‘yung mga celebrity na kasabayan natin na nag-iwan sa atin ng mga markadong kanta na naging bahagi ng ating buhay. Napapanood natin sila sa TV kahit lima ang channel nu’ng mga panahong ‘yun. Wala namang cable TV nu’ng 80s.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy