Una sa Balita

Handa na tayo sa SEA Games – Bong Go

0 303

INIHAYAG ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na handa na ang Pilipnas para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ginawa ni Sen. Go ang pahayag matapos magsagawa ng ocular inspection sa ‘state-of-the-art’ facilities sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.

Si Sen. Go na siyang chairman ng Senate Committee on Sports ay nagandahan sa lugar at pasilidad na gagamitin ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia.

Aniya, tinustusan ng gobyerno ng P13 bilyon ang proyekto upang mag-host ng biennial meet.

“As planned and promised, the construction of the sports complex is right on schedule. It will no doubt be ready for the coming 30th Southeast Asian Games,” anang senador mula Davao City.

Ang New Clark City Sports Complex ay may 20,000-seat athletics stadium, 2,000-seat aquatic center na may Olympic-size pool, pitong gusali na tutuluyan ng mga atleta at sports events official.

“Isang patunay itong New Clark City Sports Complex na tapat si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang hangaring umarangkada ang imprastruktura sa bansa at malinang ang kakayahan ng sambayanang Pilipino,” giit pa ni Sen. Go.

Si Pangulong Duterte ang mangunguna sa pagbubukas ng SEA Games.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy