Una sa Balita

Handa na ba sa ulan?

0 497

Hindi pa opisyal na dinideklara ng Philippine Atmos­pheric, Geophysical & Astronomical Services Administration (Pagasa) na tapos na ang summer o tag-init. Pero ramdam na ang napapadalas na pag-ulan.

Kaya naman medyo kumakalma na ang pakiramdam ng mga senior citizen na hirap na hirap sa mainit na si­ngaw ng Mother Earth. Bahagya nang lumalamig tuwing bubuhos ang ulan, lalo na sa Luzon na talaga namang pinanggigilan ng matinding init.

Pero hindi rin ideal na klima ang tag-ulan saanmang bahagi ng Pilipinas. Matik na baha ang kakambal nito. Dahil taon-taon na itong parte ng buhay ng mga Pinoy, dapat ay de-pindot na button na rin sa mga lokal na pamahalaan ang preparasyon sa tag-ulan.

Related Posts

Sabi pa sa radyo, “kailangan pa bang i-memorize ‘yan?” Ang tinutukoy natin ay ang paglilinis sa daluyan ng tubig gaya ng tanggal-bara sa mga kanal at imburnal, pabaklas sa mga sagabal na istruktura, hakot-basura sa mga estero at ang regular na pagsasaayos ng drainage system.

‘Yung mga sistema sa flood control gaya ng pumping stations sa mga bahaing lugar o kalsada, monitoring team sa mga ilog at sapa, warning sirens oras na sumampa sa alert at critical level ang tubig sa mga ito; at ang evacua­tion at rescue team sampu ng kanilang mga equipment at mga sasakyan.

Pero hindi lang ang gobyerno ang may obligasyon sa paghahanda sa tag-ulan. Ang bawat mamamayan ay may sariling paghahanda rin dapat.

Gaya ng pagsasaayos ng sariling bubong at alulod, pag­lilinis sa tapat na kanal, pakikilahok sa bayanihan para sa pagsalubong sa tag-ulan kung meron nito sa sariling barangay o subdibisyon. Walang hindi mahaharap sa sama-samang pagkilos at preparasyon.