Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Handa kaya?

0 109

Sa tanong ko kung handa kaya, tatlong bagay ang aking pinatutungkulan.

Una, handa kaya tayo sa mga mass shootings kagaya ng mga nasa balita sa US? Nuong Mayo 24 sa isang paaralan saTexas kung saan ang isang 18-taong gulang ay pumasok saRobb Elementary Shool at pumatay ng 21 katao—19 sa mgabiktima ay mga bata at ang 2 ay guro. Hindi malinaw ang dahilan ng pamamaril.

Isang linggo bago ito ay may naganapdin na malawakang pamamaril sa Buffalo sa New York kung saan ang isa pang 18-taong lalaki ay pumatay ng 10 katao napawang mga African-American sa loob ng supermarket.

Ang itinuturong dahilan ng mga ganitong insidente ay ang probisyon sa kanilang Saligang Batas kung saan may karapatan ang tao na mag-ari at magdala ng armas. Bagama’t dito sa ating sa Pilipinas, walang katumbas naganitong karapatan, hindi maitatanggi na laganap din ang baril sa ating lipunan.

Kung ang isang pasilidad ng pamahalaan na tahasang nagbabawal ng pagkakaroon ng mga baril, kagaya ng bilibid, ay makikitaan ng napakaramingmga armas na nasa pag-iingat ng mga preso, ano na lang kaya ang uri ng control mayroon sa labas ng mga preso.

Nauungkat ko ang mga ito sapagka’t interesado akongmalaman kung tayo—partikular ang ating kapulisan—ay handa sa mga ganitong insidente? Siguradong marami ang magsasabi na wala sa kultura ng mga Pilipino ang malawakang pamamaril.

Nguni’t, ang tanong ko ay posiblebang mangyari ang ganitong insidente sa atin? Huwag nalang ang ganitong malawakang pamamaril.

Paano kung pasukin ng mga taong armado ng may mga matataas nakalibreng armas para mang-holdap sa panahon ng enrollment? Kapag nasukol sila, hindi malayo mang-hostage sila. Kung iisipin natin ang mga ito, may sapat ba tayong mgapagsasanay—ang pamahalaan at mga paaralan, upangharapin ang ganito o mapigilang mangyari ang mga ito?

Handa kaya tayo sa pamumuno ni Marcos? Ito ang ikalawangpaksa ukol sa tanong kung handa ba. Bawa’t naging panguloay may kani-kaniyang istilo ng pamamalakad. Karaniwan,bagama’t may tinatawag na honeymoon period, nagigingmapagmasid ang tao sa unang 100 araw sa panunungkulan.

Magiging masipag ba siyang presidente o ipauubaya niya sakanyang mga tinyente? Mabilis kaya siyang mag-desisyon? May mga papaboran ba siya? May mga babawian? Ngayon pa lamang, inuuri na ang kanyang magiging pamamahalabatay sa mga taong kanyang pinili upang maging

Leave A Reply

Your email address will not be published.