HANAPIN SI DIOSALYN SEVA!

By

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahanap sa nawawalang Filipina domestic helper sa bansang Saudi Arabia.

Ayon sa DFA, isang team ng ahensya sa pamumuno ni Moh’d Noordin Pendosina Lomondot mula sa Assistance to National ng Office of Migrant Workers’ Affairs sa KSA ang naatasang maghanap kay ­Diosalyn Seva, na nawawala noong pang isang taon.

Sinasabing umapela ang kapatid ng nasabing OFW na si Sgt. Michael Joe Fabian kay Duterte na hanapin ang kapatid nito nang bumisita ang huli sa mga sugatang sundalo na nagpapagaling sa V. Luna General Hospital noong nakalipas na taon.

“Sometime in August dinalaw ni President Duterte ang mga wounded soldiers sa V. Luna Hospital. Isang wounded soldier na si Sgt. Michael Joe Fabian, ni-request niya sa President na sana ay mahanap ang kanyang missing kapatid dito sa Jeddah. So nag-commit si President Duterte na hanapin si Diosalyn Seva,” sabi ni Lomondot.

Base sa impormasyong nakarating sa DFA, si Seva ay nawala noong Marso 2016 matapos umalis sa kanyang employer dahil sa dinaranas umano nitong pangmamaltrato at paglabas sa kanyang kontrata.

Maliban kay Seva, anim pang OFWs ang sinasabing nawawala at patuloy na hinahanap sa Saudi Arabia.


SHARE