Una sa Balita

Hamon sa PNP-HPG

0 310

Ang sarap pa­kinggan ng bali­tang kakayanin na raw takbuhin ang Cubao hanggang Makati ng limang minuto bago mag-Dis­yembre.

Pero siyempre, maraming kaakibat itong plano bago mangyari.

Kaya naman nga­yon pa lamang ay inilalatag na ng Highway Patrol Group (HPG) ng PNP ang mga plano para makamit ang target na limang minutong biyahe.

Kabilang dito ang paghihigpit sa bus lane, pagwalis sa mga bus terminal sa Edsa, paglipat sa fast lane ng mga motorsiklo.

Ilan lamang ito sa planong gawin ng PNP-HPG na sa pani­ngin nila ay makakaresolba sa trapik at makamit ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na maiksing oras ng biyahe.

Para sa akin, mali­ban sa mga nabanggit na plano, isa sa pangunahing kaila­ngan para mapanatili ang maluwag at maayos na daloy ng trapiko ay ang pagi­ging disiplinado ng mga tsuper.

Sakaling maging disiplinado na ang lahat ng bumabaybay sa Edsa at sa iba pang bahagi ng bansa ay nakatitiyak tayong aayos din ang daloy ng trapiko at magi­ging mabilis ang ating biyahe.

***

Mistulang hindi pa rin makalimutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang perwis­yong hatid ng pagkakabalam ng 2019 national budget dahil muli niya itong nabanggit bago siya umalis patungong Bangkok nakaraang linggo at nagpaalala na madaliin ang budget sa pagbubukas ng 18th Congress.

Sabagay nga naman nakakagalit naman talaga ang pangyayari dahil maraming prog­rama ng gobyerno sa ilalim ng Build, Build, Build program ang naapektuhan.
Mukhang may pinatatamaan ang Pangulo sa kanyang habilin.

Sino kaya ito?

Basta sa pagkakaalam ko isang kongresista na aspirante sa pagka-Speaker ang maaaring pinatutung­kulan dito ng Pa­ngulo.

Walang iba ito kundi si Taguig Cong. Alan Cayetano na kamakailan lamang ay nag-sponsor ng economic workshop para sa mga kongresista.

In fairness naging matagumpay ang na­sabing event na dinaluhan ng mga kalihim ng DOF at DPWH at matataas na opis­yales ng DOTR, BCDA at ng Build Team.

Ginawa ang seminar para ipaunawa sa mga mambabatas kung ano ang mga priority programs ng administrasyong Duterte.

Ayokong magmaganda pero ma­laki ang magagawa ni Cayetano sa problemang ito ng Pangulo sa budget dahil ikot na niya ang matataas na puwesto sa gobyerno.

Kaya sa iba pang nag-aambisyong Speaker, itanong n’yo muna sa inyong sa­rili kung kaya ba ng werpa n’yo ang mga ganito kabibigat na papel sa buhay?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy