Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hamon ng mga fan: Julia, Coco mag-‘baby reveal’

0 182

Aware naman na siguro si Julia Montes na sa kaarawan ni Coco Martin noong November 1, siya ang isa sa mga hinihintay ng netizens na mag-post ng social media greetings para rito.

Hindi naman binigo ni Julia ang mga naghihintay dahil bago matapos ang araw ng birthday ni Coco ay nag-message ito sa kanyang Instagram account na, “Sa taong sobrang nagmamahal sa kapwa, kaibigan, pamilya at sa trabaho, Wag mong kakalimutan na biyaya ka sa lahat ng taong natutulungan at nakakasama mo.

“May the joy that you have spread come back to you not only on this day but through out the rest of your life.

“Mahal ka namin. Happy Birthday.”

Kahit never at walang any official na pag-amin between Coco and Julia, parang isa itong open-secret na naman sa lahat na ang tagal na rin ng relasyon nila.

Kaya sey ng isang netizen, “Walang mahal ka namin @montesjulia08 dapat mahal kitaaaa!!! Pakiulit!!!”

Eh, personally, ang dating naman sa amin ng “mahal ka namin” sa caption ni Julia ay ‘yung dinamay na niya ang mga binanggit niyang pamilya, kaibigan at katrabaho. Pwede rin naman na ang mahal ka namin ay ang hanggang ngayon ay wala pang pag-amin o pagtanggi mula sa kanilang dalawa na matagal nang isyung diumano’y “baby” nila.

Kaya hirit din ng mga fan sa comment, “Sana reveal din kayo.” (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.