Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Halos hubad na: Bakuna video ni Piolo nagpainit sa mga fan

0 53

Trending na naman si Piolo Pascual dahil sa pagpapabakuna.

Naging hot topic nga si Papa P sa Twitter matapos kumalat ang pagpapabakuna video niya laban sa coronavirus.

Pinoste ni Divine Lee sa Twitter ang proseso ng pagpapa-vaccine ni Pilo. Marami nga ang natuwa sa eksena ni Piolo, kaya naging pulutan iot ng mga Twitter follower.

Tweet ni @mykapalaran sa video ni @Insyaheam na `yon, “Ang init ng panahon.”

Ang kaguwapuhan ni Piolo ang gusto niyang tukuyin, na kahit naka-facemask ay sumisingaw pa rin ang sex appeal.

Sa video ay makikitang kalmado lang si Piolo habang binabakunahan.

“1st jab done…then I died (joke)…#goodcitizen,” sabi pa ni Piolo.

Agad ngang nag-comment si Divine Lee, dahil pansinin niya ang nurse na nagbakuna kay Piolo.

“Buti hindi nahimatay yung nurse,” sey niya.

Ang dami na ngang nag-comment doon. Inalaska ng iba ang nurse.

@melaysuelo; “Malakas ang falls eyeslashes ni nurse mommy.”

Ang buhok naman ng medical frontliner ang nakita ni @ceeliblovess, at nagsabing; “Nagpa-highlights pa siya para diyan.”

Iba naman ang napuna ng mga nakapanood ng video, dahil bukod sa braso ni Piolo, lantad din ang dibdib nito, at sumilip ang nipple.

Puna tuloy ni @Clayton718, “Instruction ba ni nurse na magtanggal ng shirt?”

At sabi rin ni @czynde, “”Why naman may pa-dibdib papa P?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Anyway, isa nga sa mga rason kung bakit dinudumog ang socmed ni Piolo ay dahil madalas nga siyang nakahubad. At sa bakuna video na ito na halos hubad na siya, nakaramdam talaga ng init ang mga nagpapantasya sa kanya, ha!

***

Liza humirit ng turok sa mga taga-showbiz

Magandang balita para sa mga showbiz worker, dahil binuksan na sa A4 category ang COVID-19 vaccination program. Kabilang nga ang mga economic worker rito na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa panayam ng Abantelliling kay FDCP Chair Liza Diño-Seguerra, sinabi niyang nagkausap na sila ni Q.C. Mayor Joy Belmonte sa posibilidad na mabigyan ng bakuna ang mga showbiz worker.

Nang tanggapin nina Liza at mister na si Ice Seguerra ang 2nd dose ng kanilang bakuna, nagkaroon sila ng pagkakataong mailatag ang chance na mabakunahan na ang mga worker na nakatira o nagtatrabaho sa Q.C.

Isusunod daw ni Chair Liza na kausapin ang iba pang LGU’s para rito. Eh, vulnerable rin naman daw ang mga showbiz worker dahil sa set up ng shooting, taping.

Samantala, nagsimula na nitong June 4 ang Pelikulaya LGBTQIA Film Festival sa ilalim ng FDCP. Tatagal ito hanggang June 30.

***

Ivana mabango sa mga yakman

Wala talagang puwedeng kumabog kay Ivana Alawi, pagdating sa karisma at atensyon sa mga netizen. Sa muli niyang pagpapa-sexy at pagpu-post ng mga bikini photo, humakot na naman siya ng libo-libong like, comment.

Nakabalandra sa Instagram ng YouTube Queen ang 2-piece Turquoise color bikini. Kahit natatakpan ng cellphone ang mukha ni Ivana sa selfie shot sa harap ng salamin, dinumog pa rin ito ng atensyon.

Sa ganung photo pa lang, umabot na sa mahigit 2,568 comment, 532,509 like.

Bawat galaw ni Ivana sa socmed, lalo at sexy siya ay kinababaliwan talaga siya ng madlang pipol. At yes, paborito pa ring tambayan ng mga yakman ang IG ni Ivana, ha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.