Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Halos 2K taga-Bicol lumikas sa banta ni ‘Quinta’

0 137

Umaabot na sa 1,789 katao o 532 pamilya ang lumikas na sa kani-kanilang bahay sa Bicol region dahil sa banta ng bagyong ‘Quinta’ na mananalasa sa rehiyon, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region 5.

Sa isang panayam sinabi ni OCD 5 Spokeperson Gremil Naz na ang mga lumikas ay mga residente ng bayan ng Guinobatan sa Albay at bayan ng Canaman sa Camarines Sur.

“Meron na po tayong nag-preemptive evacuation na dalawang munisipyo, based po sa report na ipinadala sa ating ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) Region 5,” pahayag ni Naz sa isang radio interview.

Mayroon na rin umanong tatlong evacuation center ang pinaglagakan ng mga evacuee sa Guinobatan, Albay habang isang evacuation center naman ang pinagdalhan sa bayan ng Canaman sa Camarines Sur.

Mahigpit din ang isinagwang health protocol sa paglilikas ng mga residente dahil sa banta ng coronavirus.

May naiulat na rin umanong mga stranded sa mga pantalan ng Bicol dahil hindi na pinayagang maglayag ang sasakyang pandagat kasunod ng malalakas na alon sa dagat. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.