Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Halos 1M depektibong balota winasak

0 98

Aabot sa mahigit 930,000 depektibong balota at iba pang “form” mula sa National Printing Office (NPO) ang sinira ng Commission on Elections (Comelec) sa Quezon City.

Gumamit ang Comelec ng industrial cutting machine sa pagsira ng may 933,311 balota, kabilang ang 586,988 na road show ballot na gunamit sa ginawang testing sa vote-counting machine.

Kabilang sa mga sinirang balota ay mali ang kulay, may mantsa, mali ang sukat at iba pang depekto.

Nabatid na mula Enero 22 hanggang Abril 4 ay nakapag-imprenta ng 67,442,660 official ballots. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.