Una sa Balita

Hallasgo pinatalsik si Tabal

0 321

NAKABINGWIT ng malaking isda si Pinay marathoner Christine Hallasgo matapos patalsikin sa ­trono si Mary Joy Tabal sa women’s ­marathon competition ng 30th Southeast Asian Games na ginanap sa New Clark City Athletics Stadium.

Kilala bilang marathon queen si Tabal, pero hindi siya umubra sa 27-year-old at tubong Malaybalay Bukidnon na nagtala ng dalawang oras, 56 minuto at 56 segundo.

Hindi inaasahan ni Hallasgo na masusungkit ang medalya kaya naman ang laking tuwa nito ng manalo.

“Unexpected po talaga ito, naluluhang sabi ni Hallasgo. Hindi ko kasi ini-expect na mananlo ako. ­Basta ­kinondisyon ko lang ang katawan ko para ‘di ako maiwan,” kwento nito.

Inamin ni Hallasgo na naging inspirasyon niya ang kanyang anak na iniwan sa Pangasinan na nagsasanay din sa athletics.

“Ang inisip ko na lang po para ito sa anak ko,” hayag ni Hallasgo.
Hapong-hapo si Tabal nang tawirin nito ang finish line, napahiga ito at hindi agad nakatayo kaya inilagay siya sa stretcher at binuhat papalabas ng track oval, nirehistro nito ang dalawang oras at 58 segundo para makopo ang silver medal.

“Sa sarili ko po I just wanted to finish no matter kung anong mangyari. Alam kong wala na because I am so exhausted. I am just happy that I finished second. Nakapag 1-2 kami (ni Hallasgo),” hayag ng 30-­anyos na si Tabal. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More