Una sa Balita

Hall of Famer ako – Rose

0 221

TINGIN ni Derrick Rose ng Detroit Pistons, sapat na ang kanyang isang Most Valuable Player (MVP) award para makasama sa Hall of Fame ng NBA.

“I am a Hall of Famer. Not in everybody’s eyes, but to the people that I grew up with. Like, I made it. I executed. I got to where I was at,” ayon kay Rose.

“I been having these same expectations I have now, they were thrown on me in sixth grade. I achieved all that. I got through all that.”

Maganda ang simula ng karera ni Rose, matapos sikwatin ang Rookie of the Year plum noong 2009, sinundan agad ito ng MVP noong 2011 para maging pinakabatang recipient ng nasabing parangal.

Ngunit pagkatapos ng career-season, nawala ang dating bilis at liksi ni Rose nang magtamo ng ACL tear sa 2011 playoffs kontra Philadelphia 76ers, at hindi na muling naibalik ang dating sigla sa sunod-sunod na injury na natamo sa mga sumunod na taon.

Gayunpaman, kumpiyansa pa rin si Rose sa kanyang sarili, hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa NBA sa edad na 30.

Sa ngayon ay target ni Rose ang makapagkampeon sa Detroit, kasama ang dalawang All-Star bigs na sina Blake Griffin at Andre Drummond. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy