Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Halik ni Marian bitamina ni Dingdong

0 72

Kiss lang ni Marian Rivera, sapat na, buhay na siya, lumalakas na siya! Eh, paano nga naman kung may kasama pang paghahanda ng masarap na almusal para sa kanya ang kanyang misis, eh ‘di feeling nasa langit na, di ba?

Well, matindi nga kung mag-appreciate si Dingdong sa mga bagay na ginagawa sa kanya ng misis niya. Lahat yata ng ginagawa ni Marian ay perfect para kay Dong.

“I love you forever,” sabi ni Marian kay Dong.

Anyway, samahan si Kapuso Primetime King Dingdong sa isang exciting episode of ‘Amazing Earth’ ngayong Linggo, kung saan ay dadalhin niya tayo sa mga wildlife story from Asia – na kung saan ay ipi-feature niya ang Filipino version ng BBC nature-documentary “Seven Worlds, One Planet.”

First stop, “Manloloko Numero Uno” sa blistering Lut Desert of Iran where a rare species of viper uses camouflage to capture migrating birds like flycatchers and shrikes.

Kasunod ang “Butiking Bida-bida,” na lalakeng Sarada lizards na nakikipagpatayan para sa kanyang teritoryo at magpasiklab sa mga babaeng species.

At may kuwento rin tungkol sa orangutan na natutong mag-navigate sa forest sa “Kumapit Ka Lang” with the help of its mother while they search for nourishment 50 meters above the ground.

At sa “Harana ng Dalaga,” you’ll meet a ‘singing’ female rhinoceros that lives by itself in the dense Sumatran jungle. Find out why her call remains unanswered.

At siyempre, nandiyan din ang “Butanding Blues,” an inspiring story about the harmonious relationship between whale sharks and local fishermen in the waters of Indonesia.

Pero, interesting nga sa lahat ay paksa kung totoo bang nadi-detect ng mga aso ang COVID-19? Sa special segment na ito ay pupuntahan nila ang Universal K9 Training and Services in Antipolo City where dogs are being trained to sniff COVID-19 positive persons. Are canines the answer to our country’s mass detection problem?

Mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez, ang “Amazing Earth” ay napapanood tuwinh Sunday bago mag-“24 Oras Weekend.” (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.