Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Halik ni Elijah sa ibang boylet, inalmahan ng mga fan

0 127

Naku, Dondon (my dear editor), mabuti na lang at mag-i-streaming na on May 22 sa iWantTFC at VivaMaxPlus ang ‘Gameboys 2’ nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos kaya mababawasan na ang pagkairita ng ibang mga EliKoy fan.

Bakit irita ang mga fan ng nasabing ‘love team’? Well, dahil sa kissing scene ni Elijah with a co-star sa ‘Misis Piggy’ na palabas naman sa iWantTFC.

Alam niyo naman ang pagiging possessive ng ibang mga fan, huh! Gusto nila na sina Elijah at Kokoy lang ang magkapareha, ‘noh?!

Siyempre, mas nag-react sila na may kissing scene pa si Elijah sa iba. Buti na nga lang at very short lang ‘yon, what more pa kaya ang magiging reaction ng mga EliKoy fan kung torrid pa ‘yon?

Well…

Anyway, dahil sa success ng first ‘Gameboys’ series, pati ng ‘Gameboy: The Movie’ nila ay inaasahang mas magki-click itong ‘Gameboys 2’ na ang tagal na ring hinihintay ng kanilang mga fan.

Teka nga pala! Ang pagiging seloso kaya ng mga fan nila ang dahilan kung bakit hindi open ang isa kina Elijah at Kokoy tungkol sa relasyon nito sa isang showbiz personality na nagbabagong image?

Parang ‘miles’ away pa ang bibilangin bago nito aminin ang tungkol sa relasyon na ‘yon kasi sa ilang mga kakilala pa lang nila namin naririnig ang tungkol doon.

Well… well… well…

Rufa Mae tambak ang labada

Rufa Mae Quinto’s back in Cerritois, California.

Kasama nga niya roon ang kaibigang si LJ Moreno na based na sa Amerika.

Anyway, bumalik kaagad ng Amerika si P-chi (paboritong tawag sa sexy comedienne) dahil may show sila ni Jaya, ang ‘Romantic Saya’.

May 15 ‘yon, kaya habang binabasa ninyo ito ay nagaganap naman ang show nina P-chi at Jaya.

After no’n ay huwag kayong magulat kung makikita n’yo na naman kaagad sa ‘Pinas si P-chi dahil marami rin siyang tanggap na ‘labada’ rito.

Ang meaning no’n, maraming tapings at iba pang raket sa ‘Pinas si P-chi dahil under Sparkle na siya ng GMA-7.

Mukhang enjoy naman si P-chi sa muli niyang pagpapaka-active sa showbiz kaya nang last time namin siyang nakatsikahan ay wala naman siyang reklamo tungkol sa jet lag.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.