Una sa Balita

Halfway home, doctor’s quarter pinasinayaan sa Romblon

0 268

Odiongan, Romblon — Pinasinayaan nitong Martes, Hun­yo 18, ang bagong tayong halfway home at doctor’s quarter sa loob ng compound ng Romblon Provincial Hospital.

Pinangunahan ni Incumbent Governor Eduardo Firmalo, Chief of Hospital Dr. Benedict Anatalio, at Dr. Ruth Cervo, chief ng DOH-Romblon, ang pagpapasinaya.

Ang magkatabing halfway home at doctor’s quarter ay matatagpuan sa taas ng Enrique Ona Hall, at RPH-Building 1.

Ayon sa pahayag ni Firmalo, ang halfway home ay isang dormitory na proyekto ng provincial government para sa mga mahihirap na pamilyang may kamag-anak na naka-confine sa Romblon Provincial Hospital pero walang matuluyan ang mga bantay sa Odiongan.

Ang nasabing halfway home ay magsisilbi nilang temporary shelter habang nasa Odio­ngan sila, at para masiguro ang kanilang kaayusan at kaligtasan habang malayo sa kanilang mga bayan.

Samantala, ang doctor’s quarter ay makakatulong para sa mga doktor na nagdu-duty sa ospital ngunit walang tira­han sa bayan.

Makakatulong umano ito sa kanila dahil makakatipid sila pagdating sa lodging, at advantage rin umano para sa mga pasyente dahil malapit lang sa ospital ang mga doktor. (Paul Jaysent Fos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy