Una sa Balita

Half-Pinay coach kasamang nasawi ni Mamba

0 454

ISA sa biktima sa siyam kataong nasawi sa helicopter crash na ikinamatay rin ng mag-amang Kobe at Gigi Bryant si Filipina-Ame­rican Christina Mauser, coach sa Mamba Academy.

Kinumpirma ng mga kaanak nito na kabilang sa helicopter crash ang 38-anyos na Fil-Am coach.

Sinabi ng pinsan nitong si Melanie Ramil sa Facebook post na si Mausser ay may direktang dugong Pinoy.

“We are beyond heartbroken,” sabi ni Ramil sa Facebook.

Hindi rin makapaniwala ang asawa ni Mauser na si Matt.

“We lost our beautiful wife and mom. It’s horrible. I’ve got three small kids, and I’m trying to figure out how to navigate life with three kids and no mom,” sabi nito sa Facebook post.(Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More