Una sa Balita

Half-day work ang mga korte sa Marso 28

By
0 1,050

INANUNSIYO ni Sup­reme Court (SC) Acting Chief Justice Antonio Carpio na half-day lang ang trabaho ng lahat ng mga korte sa bansa sa darating na Marso 28, Miyerkoles Santo, bilang pagbibigay-daan sa paggunita ng Semana Santa.

Gayunman, sinabi ni Carpio na ang mga korte sa mga lungsod at munisipalidad na sakop sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpapatupad ng buong araw na suspensiyon ay susundin ng mga hukuman.

Ang pagsuspende sa trabaho ay para bigyang-daan ang preparasyon ng mga empleyado na uuwi sa kanilang mga lalawigan upang mabigyan ng sapat na panahon na makapaghanda ang mga ito sa kanilang pagbiyahe.