Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Halaman, hayop na endemic tampok sa National Museum exhibit

0 83

Tampok ang mga artworks ng endemic at native species ng mga halaman at hayop sa ilulunsad na temporary exhibition ng National Museum of the Philippines.

Pinamagatang “Natural Heritage in Focus: The Philippine Flora and Fauna Art Exhibition,” bahagi ito ng pagdiriwang ng museum ng Biodiversity Day at National Heritage Month.

Bubuksan ito sa publiko sa National Museum of Natural History mula Mayo 24 hanggang Setyembre 25.

“This exhibition will be open for public viewing from May 25 up to September 25, 2022 only.
Come and bring your friends in the National Museum of Natural History and learn more about the endemic species of flora and fauna in the Philippines!” base sa abiso.

Ikinasa ang proyekto sa pakikipagtulungan sa Philippine Botanical Art Society (PhilBAS) at sa Philippine Fauna Art Society (PhilFAS).

Muling binuksan ang National Museum of the Philippines sa publiko noong Oktubre 2021.(Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.