Una sa Balita

Halaga ng pagbabasa

0 542

Bilang Chairman ng Senate Committee on Higher and Technical Education, nababahala po tayo sa mataas na bilang ng mga kabataang hindi marunong magbasa tulad ng naibalitang may 70,000 na mga mag-­aaral sa Region 5 ang “non-readers”.

Tila pagpapatibay po ito sa naunang report ng PISA o Programme for International Student Assessment kung saan pinakapugit o pang-79 sa 79 na mga bansa ang Pili­pinas sa “reading” ang mga batang Pinoy na 15 taong gulang.

Alam po nating lahat na “foundational skill” ang kakayahang magbasa at nakasalalay po rito ang patuloy na paglago ng isip ng ating mga kabataan.

Kaya’t nakikita natin ang halaga ng isinasagawang Philippine Informal Reading Inventory o Phil-IRI ng DepEd para masukat ang kakayahang magbasa ng mga batang Pinoy at matukoy din ang mga kailangang intervention para matiyak na “every Filipino child is a reader”.

Malaking factor po ang husay sa pagbabasa nang may komprehensyon para ma-engganyo ang mga kabataang tapusin ang kanilang pag-­aaral hanggang maka-graduate sa senior high school at magpatuloy sa kolehiyo o tech-voc.

Tandaan po natin na ang ating mga graduates ang susunod na magpa­patakbo ng ating mga industriya bilang mga mang­gagawa, sa loob at labas ng bansa. Napakahalaga po ng language comprehension para matiyak na competitive at makakakuha ng disenteng trabaho ang ating mga kababayan.

Nangangamba rin po tayo na ang itinuturong dahilan kaya’t duma­rami ang non-reader ay ang sistemang “mass promotion”. Nauunawaan po natin ang bigat ng trabaho ng ating kaguruan kaya’t naisasantabi ang pagbibigay ng remedial reading sa mga non-readers.

Related Posts

Kailangan pong tugunan ito ng DepEd. Dapat na muling tingnan kung dapat bang gawing bata­yan ang “promotion” ng mga bata sa performance assessment ng mga guro. Kailangan din ang sapat na mga reading resource at integration ng teknolohiya sa mga klasrum na makakatulong para itaas ang antas ng kasanayan ng mga bata sa pagbabasa.

Resulta po ng diagnostic test sa pagbasa ang naiulat na 70,000 na mga non-reader sa Bicol kaya interesado po tayong malaman kung magkakaroon ng pagbabago ang bilang na ito sa dulo ng taon dahil tungkulin po ng ating mga guro at ­DepEd na makabasa o maging “independent reader” ang kanilang mga mag-aaral sa pagtatapos ng school year.

Subalit huwag rin po sana nating kalimutan na ang may pinakamalaking magagawa para turuang magbasa at bigyan ng pagpapahalaga ang pagbabasa ay ang mismong mga magulang at ang buong komunidad.

Ihahain po natin sa Senado ang panukalang batas para paigtingin ang paglalagay ng mga public library at mga barangay reading center sa buong bansa para hikayatin ang lahat ng ating mga kababayang magbasa.

Sabi nga ni Jim ­Trelease: “Ang isang bayang hindi nagbabasa ay isang bayang kulang sa kaalaman. At ang isang bayang kulang sa kaalaman ay mahina sa paggawa ng desis­yon sa tahanan, sa kalakalan, sa panahon ng halalan. At malaki ang epekto ng mga desisyong ito sa kinabuka­san ng ating bayan.”
***
Job Fair Schedule
Cronasia Job Fair
Robinson’s Place, ­General Santos City
February 24

LGU Claver Job Fair
Aga Gym, Brgy. Bagacay
Claver, Surigao del Norte
February 26

SJDM Job Fair
Colegio de San ­Gabriel Arcangel
Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan
February 28

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More