Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Halaga ng ICT sa Trabaho

0 312

Napakahalaga po ng Information and Communications Technology o ICT sa pagmantene ng database ng mga trabaho kung saan mas madaling naipararating ng mga employer sa mga jobseeker ang mga job vacancy.

Nakamamangha po ang pag-unlad ngayon sa ICT na makikita sa nabuong mga “virtual” platform kung saan halos wala nang ipinagkaiba ang pisikal at online na interaksyon ng mga tao.

Dahil dito, nangyayari na ang buong proseso ng job fair, recruitment, interview, job offer, hiring onboarding at maging ang mismong pagtatrabaho ng mga manggagawa sa online.

Sa tulong ng ICT, nagiging mas malikhain, inclusive at global ang ating labor market sapagkat hindi na lang po ang mga local job ang na-a-access ng ating mga kababayan kundi maging ang mga trabaho abroad din.

Isa po ito sa mga dahilan kung bakit tinugunan natin ang panawagan ng PESO Management Association of the Philippines o ang PESOMAP para pondohan ang mga online job portal tulad ng PESO Employment Information System o PEIS at ang capacity building ng mga PESO Manager at Job Placement Officer sa buong bansa.

Ang PEIS po ay mula sa Skills Registry System na sinimulan noon ng DOLE bilang database ng manpower supply kasama ang profile ng lahat ng mga employer gayundin ang mga kwalipikasyon, skills at mga job vacancy mula sa iba’t ibang industriya.

Halimbawa, makikita ngayon sa mas pinaunlad na PEIS Web Portal na pinamamahalaan ng Bureau of Local Employment (BLE) sa pamumuno ni DOLE Asec. Dominique Rubia-Tutay ang bilang ng mga trabahong maaaring aplayan ng ating mga kababayan:

Staff Nurse (31,783)

Domestic Helper (15,582)

Office Clerk (11,237)

Production Worker (10,656)

Waiter (7,632)

Call Center Agent (6,739)

Customer Service Assistant (5,969)

Laborer (5,807)

Nursing Aide (4,446)

Administration Services Aide (4,396)

Company Nurse (2,841)

Laborer (Gov) (2,805)

Production Machine Operator (2,612)

Restaurant General Manager (2,488)

Production Helper (2,422)

Cashier (2,323)

Technical Support Staff (2,312)

Production Assistant (2,287)

Carpenter (2,184)

Caregiver (2,130)

Makikita po sa peis.philjobnet.ph ang kumpletong listahan ng mga trabaho, gayundin ang lokasyon kung saan ito inaalok, ang PESO Manager na in-charge, kumpletong address ng PESO, at lahat ng mga contact detail tulad ng mobile at telephone number, email, at Facebook page.

Sa tulong ng ICT, nagkakaroon ng access ang ating mga kababayan sa mga oportunidad dahil bale-wala po ang mga nalilikhang trabaho kung hindi naman ito nalalaman at madaling naaaplayan ng mga jobseeker.

Kung may database tulad ng PEIS at iba pang mga job portal, madali ring ma-a-access sa pamamagitan ng smart phone at agad na ring ma-te-text o matatawagan ang PESO manager para sa kakailanganing assistance ng mga jobseeker.

Trabaho po ang laging trabaho ng inyong TESDAMAN kaya’t patuloy nating paiigtingin ang paggamit ng ICT sa ating mga employment facilitation service tulad ng PEIS sa pamamagitan ng isinusulong nating Philippine Digital Workforce Competitiveness Act o Senate Bill No. 1834 sa Senado.

Palalakasin po ng ating panukala ang PESO sa pamamagitan ng paglikha ng mga digital application help desk at pag-facilitate ng access sa mga trabaho sa digital technology.

Bibigyang daan din po ng SB 1834 ang paggawa ng centralized web portal para naman sa lahat ng training, skills development, certification at scholarship program na pwedeng pakinabangan ng ating mga manggagawa at mga jobseeker.

Leave A Reply

Your email address will not be published.