Una sa Balita

Hairstylist, podiatrist tiklo sa droga

By
0 4

PALAYAN CITY, Nueva Ecija — Isang hairstylist at kasama nitong podiatrist o dalubhasang manggagamot ng sakit sa paa, ang inaresto sa buy bust noong Biyernes ng gabi sa Brgy. Malate rito.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Arnel Santiago kinilala ang mga naaresto na sina Alex Avila Ortiz, 26, tubong Brgy. Malambong,­ San Narciso, Quezon Province at Nancy Cobilla Macalinao, 38-anyos, podiatrist, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Lumitaw sa imbestigasyon na dakong alas-11:45 ng gabi nang isa­gawa ni P/Sr. Inspector Ferdinand Somera ang buy-bust at naaresto si Ortiz na nakunan ng dalawang sachet ng shabu.

Nakunan naman si Macalinao ng isa pang sachet ng hinihinalang shabu.

Kaukulang kaso ng ­paglabag sa Art. 2 Sec. 5 ng Rep. Act 9165 ang iginayak kontra sa mga naaresto.