Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hairdresser nanakit ng kagawad kinalaboso

0 62

Bagsak sa kulungan ang isang hairdresser matapos atakehin ang barangay kagawad na sumaway sa kanya kamakalawa ng gabi sa Sta. Ana, Maynila.

Nahaharap sa kasong direct assault at paglabag sa Revised Penal Code (alarm and scandal) ang suspek na si Luzviminda Rodriguez, 32, dalaga, taga-Pasigline St., Sta. Ana.

Ayon sa reklamo ni Edita Peralta, 49, kagawad ng Barangay 777 at residente ng Arellano St., ng nabanggit na lugar, sa Manila Police District-Police Station 6, nangyari ang insidente alas-7:45 ng gabi sa harap ng kanyang bahay sa No. 2342 Int. 1, Pasigline St.

Nakita ni Peralta ang suspek na nagsisisigaw at nagmumura kaya sinubukan niyang payapain.

Pero sa halip na magpaawat ay nagpatuloy pa sa pagwawala si Rodriguez at inatake ang kagawad.

Nakita ng isang barangay tanod ang komosyon kaya tumulong ito sa pag-awat at pag-aresto sa suspek saka binitbit sa presinto. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.