Una sa Balita

Hailey pinagtawanan dahil kay Selena

0 397

Pinagtawanan at inasar ng maraming­ fan si Hailey Baldwin dahil sa isang Instagram filter game kung saan nagsha-shuffle ang pangalan­ ng mga Hollywood persona­lities, tapos hihinto sa pangalan ng sinasabing kamukha ng nasa camera.

Lumabas kasi ang pangalan ng ex-dyowa ni Justin Bieber na si Selena Gomez, na tinutukoy sa filter na kamukha niya raw ito (si Selena).

For sure alam ni Hailey­ kung gaano minahal ng mga fan ang relasyon noon ni Justin at Selena (Jelena). Kaya nga siya nakatanggap ng pambabatikos mula sa mga fan dahil hindi nila matanggap ang pagsasama nina Hailey at Justin. Marami kasing mga fan na harsh talaga sa pagsasama nina Hailey at Justin.

Sabi ng mga Jelena fan, “Sampal” kay Hailey na si Selena pa rin ang nakikita ni Justin sa kanya na si­nang-ayunan o pinatuna­yan pa ng naturang IG filter.

“Oh yassss!!” caption naman ni Hailey sa litrato niya na nagsasabing kamukha niya si Selena.

“Sarcastic” naman ang sabi ng mga fan sa naging reaksyon ni Hailey sa kanyang look-a-like.

Samantala, “sampal” din sa mga fan na ‘di boto kay Hailey ang pinaka-recent picture na in-upload ni Justin kung saan nakahalik pa si Justin sa noo ni Hailey with caption na “me and wifey date day”. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More