Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hagibis 4-Cock Derby sisiyapol

0 91

MAGTATAGPO sa ruweda ang mga tigasing breeders at sabungero sa Hagibis TV 4-Cock Derby na bibitawan sa Riper Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna ngayong araw.

May pot money na P22,000 at minimum bet na P22K, ang nasabing event ay pa-derby ng grupo ni Bobby Andrews at makakasama niya bilang punong-abala sina Tagle Bros., Rikirikiriki at Chrysler.

Inaasahang dadagsain din ng mga backyard breeder ang derby lalo na at gaganapin ang sultada sa isa sa magagandang sabungan sa Laguna, ang Riper Sports Cockpit na pag-aari ni Richard Perez.

May mga VIP air conditioned rooms at cock house para sa mga may entry kaya naman nasisiyahan ang mga sumasali kapag sa Riper Sports Cockpit ang venue ng laban.

Katuwang din sina Gary at Boss Riper sa derby na pinapayagan na maglaban ng hennies o binabae at para sa mga magpapa-reserve ng cock house at ibang detalye, tumawag o mag-text kina Dennis (0977-3477300) at Bonjing (0921-3974577).

Nakaraan lamang ay matagumpay na naisagawa ang Tabuk 6-Cock Derby nitong Mayo 19.

Isa sa mga lalahok sa Hagibis TV ay ang “Sabong On Air” na pag-aari ni Ka Rex Cayanong.

Samantala, sa susunod na buwan June 16, ilalarga naman ang 6-Cock Derby Sabong On Air na bibitawan din sa ruweda ng Riper Sports Cockpit.

Ang pot money ng pa-derby ni Cayanong ay P110,000 habang P55,000 ang minimum bet. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.