Una sa Balita

PQF: Hagdan sa pag-asenso

0 261

Lubos pong makikinabang sa Philippine Qualifications Framework o PQF ang mga OFWs. Ayon sa datos, mayroong mahigit 10 milyong OFWs na nagkalat sa halos 170 bansa sa buong daigdig. Araw-araw, 6,092 Filipino ang umaalis sa bansa para magtrabaho abroad.

Halimbawa, papunta si Juan dela Cruz para magtrabaho sa Singapore. Sa tulong ng PQF, madaling makikita ng employer ni Juan kung ano ba ang taglay niyang kakayanan at patutunayan ito ng mga hawak niyang katibayan tulad ng Diploma o National Certificates.

Dahil may qualifications framework din ang Singapore, itutugma ang kuwalipikasyon ni Juan sa kuwalipikasyon ng mga Singaporeans at iba pang dayuhang manggagawa roon. Kung parehas sila ng kuwalipikasyon, kung ano ang posisyon, suweldo o benepisyo ng mga dayuhang manggagawa, ganu’n din ang dapat mapunta kay Juan.

Pagkatapos naman ng kontrata ni Juan at nais na niyang bumalik sa Pilipinas, magiging daan ang PQF para kilalanin ng ating mga unibersidad ang kanyang work experiences. I-tra-translate po ito sa credit units kung gusto ni Juan na magpatuloy sa kolehiyo o umangat ng lebel sa PQF.

Dati po, may listahan ng mga subjects na kailangan mong makuha para maka-graduate, ngayon sa PQF, kahit iyong mga karanasan mo sa buhay, mabibilang po iyan para makakuha ng degree sa kolehiyo o umangat sa PQF. ‘Di po ba napakainam din ng PQF lalo na doon sa mga kababayan nating labas-masok sa eskwela dahil kailangang sumabak agad sa trabaho?

Pinagtutulungan pong itaguyod ang PQF ng DepEd, TESDA at CHED. Tayo naman po sa Senado, layunin nating maisabatas ang PQF para tiyakin na magtutuloy-tuloy ang malaking repormang ito.

Magkakasama po tayo sa adhikaing makasabay si Juan dela Cruz sa pag-inog ng mundo. Kaya’t hindi po tayo magsasawang umisip ng mga paraan para gawing world-class si Juan.

***

Job Fair Schedule (November 13- 18)
SBMA Job Fair
2nd Level Harbor Point Mall
Subic Bay Freeport Zone
November 13
PESO Job Fair
Bayabas Toril, Davao City
November 15
Congressman Nograles Oplan Kabuhayan Program
Dizon Elementary School Bacaca,
Brgy. 19-B, Poblacion District, Davao City
November 18

(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy