Una sa Balita

Hadid bibitbitin ni Belo sa ‘Pinas

0 441

Puring-puri ng local beauty guru na si Dra. Vicki Belo ang Hollywood ­personality na si Yolanda Hadid, ina ng mga modelo na sina Gigi, ­Bella at Anwar, nang magkita sila sa London Fashion Week.

Hindi pinalampas ni Belo na kunin ang pagkakataon na kausapin ito at makipag-picture. Siyempre nga naman, isa ang pamilya Hadid sa pinaka­bongga na pamilya sa Hollywood industry na talagang tinitingala ng mara­ming tao.

“@yolanda.hadid should really receive the #bestmother award for bringing up such beautiful super models like @gigihadid and. @bellahadid, who still remain kind and down to earth and Mommys girls,” caption ni Belo sa litratong in-upload niya kasama ang model.

May reply naman ang asawa ni Vicki na si Hayden Kho Jr., miss na raw nila si Yolanda at hinihiling nito na bumisita ang model sa kanila. Aba, kung gayon ay sila pang mag-­asawa ang unang makakapagbitbit sa modelo na umapak sa lupa ng bansa, ha!

Looking forward naman ngayon ang maraming fan na maimbita nga sana ng mag-asawa ang idolo nila dahil big time kasi talaga itong model na ito.

Napansin din ng ilan sa mga fan na lumalaban sa pabataan ng looks si Vicki kay Yolanda, ha! Bigla raw nagmukhang magka-edad lang sila kahit 64 na si Vicki habang 56 naman si Yolanda. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More