Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hacking syndicate ng Koreano, Pinoy nalansag

0 67

Nalansag ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang hacking at phishing syndicate matapos maaresto ang limang Korean national at apat na Pinoy na miyembro nito, nitong Lunes sa Angeles City, Pampanga.

Sa inilabas na statement ni PNP chief General Debold Sinas kahapon, ang pagkakaaresto sa walong suspek ay isinagawa sa pamamagitan ng tatlong magkakahiwalay na warrants sa Violation of Republic Act No. 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998 na inilabas ni Presiding Judge Benigno Abila ng Regional Trial Court Branch 117, Third Judicial Region ng Angeles City, Pampanga.

Unang naaresto si Lee Sungbo alyas Seven, Korean national, sa Pulu Amsic Subdivision, Angeles City, Pampanga. Naaresto din ang kanyang private security guard na si John Michael Imaampao, at nakuha dito ang isang kalibre .38 baril. Nasamsam naman sa operasyon ang 11 TM sim cards; 7 cellphones; laptop; CPU desktop; 3 SD card; Cruzer flash drives; 11 Assorted bank/payment cards; bill counter; keyboard; 2 Samsung monitor, assorted peripherals at remotes mula kay Lee Sungbo.

Samantala sina Yoensu Yoon, Junguk Lee, Alyssa Payabyab Lee, Maiko De Luna Natividad, John Patrick Sotto Gonzales, Bong Baja Garcia ay naaresto din nitong Lunes sa Luisa Street, Hensonville Court Subdivision, Brgy Malabanias, Angeles City, Pampanga. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.