Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Haciendero tinodas sa tulay

0 182

Kabilang ang alitan sa lupa sa anggulong sinisilip sa pananambang sa isang 75-anyos na asyendero kamakalawa ng tanghali sa may tulay sa Brgy. La Fuente, Santa Rosa, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Police Major Fortune Dianne Bernardo, kinilala ang biktima na si Nicasio Resurrection Yuson Jr., residente ng Cainta, Rizal, at isa umano sa may-ari ng Yuson farms sa Brgy. Sapang, Jaen, Nueva Ecija.

Alas-12:45 ng tanghali minamaneho ng biktima ang kaniyang SUV at patungong Santa Rosa town proper nang dikitan ng riding in tandem.

Pinagbabaril ang nag-iisa umanong biktima ng mga salarin at mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Bumangga pa umano sa mga barrier sa tulay ang sasakyan ng biktima na nasawi noon din. (Jojo De Guzman)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.