Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Habulin ang guarantor

0 62

Hello Good Day Atty. Claire

Magpapatulong po sana ako any advice. Nagpautang po kasi kami ng mother ko at may guarantor kami. Etong guarantor po namin, delaying tactics. Ilang beses po namin binigyan ng grace period, kahit ngayon po binigyan ulit namin. Kasi mahirap lang sila at naawa kami. Pero ngayon want to seek for a legal advice na po what to do?

Etong isang pinautang namin under our guarantor said she will not pay anymore because nagalit kami. Napagsalitaan ni mama thru message the word salvage. But i said, sinagad nila kami at wala namang kakayahan at di kami ganon tao nagagawin yung salvage. Lastly, sabi ko po matanda na ang mama ko, insstress nila. Parang ang style po kasi nila, iinisin, sasagarin ka po para may masabi kaming masama, then they would use it against us para may laban sila.

Any advice Atty? Maraming salamat.

Jereigna

Ms. Jereigna,

Related Posts

Damayan tayo

Kampi sa China?

‘Tubig is life’

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang guarantor ay may obligasyon na siguraduhin na ang utang ay mababayaran at kapag hindi nabayaran ng siyang umutang ay ang guarantor ang siyang maaaring singilin ng creditor.

Ang dapat nyo munang gawin ay ang totoong umutang sa inyo. Dapat na magkaroon muna kayo ng ebidensya na ang umutang ay hindi na kayang magbayad. Lahat ng paraan ay dapat munang magawa ninyo sa paniningil sa umutang sa inyo. Kapag nagamit na lahat ng paraan na masingil siya ngunit hindi pa rin nagbayad o kaya ay hindi na masingil talaga ay doon ninyo lamang mahahabol ang guarantor.

Magkaiba ang co-maker sa guarantor. Ang co-maker ay maari mong singilin kahit di mo pa nasisingil ang principal debtor. Kaya bago kayo maningil sa guarantor ninyo, unahin munang habulin ang principal debtor.

Next time, kahit na masamang masama na ang loob ninyo at pikon na kayo sa mga manloloko na untangero ay dapat pigilin nyo ang sarili para hindi kayo ang makasuhan ng cyberlibel o libel. May paraan para makasingil kayo.

Mgapadala muna kayo ng demand letter at kapag di nagbayad ay maaari nyong ireklamo sa barangay kung magkabarangay kayo o magkalungsod. Ireklamo nyo for collectio of sum of money PERO kung may ebidensiya kayo na isa lamang modus operandi ng pangungutang at saka tatakbuhan– isang panloloko ang style nila ay maaari mo silang ireklamo ng estafa at hindi lamang isang civil case na collection of sum of money.

Isang tip lang para sa inyo: kung magpapautang kayo ay mas magandang may kasamang cheque para kung tumalbog ito ay maaari ninyong sampahan ng kasong criminal para matakot naman sila kapag di sila nakabayad ng utang.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.