Una sa Balita

Habang sikat si PDU30, ilarga na!

By ,
0 144

Gagamitin ng liderato ng Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso ang kasikatan at mataas na tiwala ng publiko kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte para isulong ang Charter change (ChaCha).

Ito ang napag-alaman kay House Deputy Speaker Reneo Abu, dahil kung hindi ngayon isasagawa ang pagbabago ng Saligang Batas ay malabo na ito sa hinaharap lalo na kung ang mga susunod na pangulo ng bansa ay walang tiwala ang mamamayan.

“Now is the perfect and opportune time to push Charter change with President Duterte’s very strong political capital. He has no any hidden political agenda. His leadership is about championing people’s interests,” ani Abu.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag sa kabila ng resulta ng Pulse Asia survey kung saan 44% sa mga respondent ay hindi pabor na magkaroon ng bagong Saligang Batas.

Patuloy ring matigas ang paninindigan ng ilang kongresistang tutol sa pagretoke sa Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly (ConAss) na siya ngayong itinutulak ng Pangulo at ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez.

Punto ni Caloocan City Rep. Edgar Erice, hindi dapat apurahin at lalong hindi tamang tipirin o baratin ang gastos para amiyendahan ang Saligang Batas dahil sa laki ng magiging epekto nito sa mga polisiyang susundin ng buong bansa sa mahabang panahon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy