Una sa Balita

Habang naka-duty Pulis Pasig pinosasan sa pangingikil ng ₱100K

0 595

MATAPOS masibak ang hepe ng Eastern Police District dahil sa pangongotong ng isang pulis, isa pang alagad ng batas mula sa Pasig ang hinai­nan ng warrant of arrest habang naka-duty na desk officer kahapon nang madaling-araw sa loob ng headquarters.

Batay sa nakalap na report, inaresto ng mga tauhan ng counter-intelligence task force (CITF) ang desk officer na si PO2 Edgar B. Santos na miyembro ng EPD roving patrol, sa loob ng headquarters bandang ala-1:06 Sabado nang madaling-araw.

Pinangunahan ni P/Supt. Renante Lambojo­ ng CITF ang paghuli kay Santos dala ang bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Don Ace Marlano V. Alagar, acting presiding Judge ng MTC Branch 42 Quezon City sa kasong estafa.

Nabatid na inaresto si Santos sa umano’y pagkakasangkot nito sa robbery-extortion na kung saan ay nangikil umano ng P100,000 sa isang nabiktima noong Disyembre 10, 2018 sa Marikina City. (Vicky Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy