Habambuhay sa tulak

By

Hinatulan na makulong ng habambuhay ang isang lalaki na umano’y tulak ng iligal na droga sa kanilang lugar sa Valenzuela City.

Sa 13-pahinang desisyon ni Judge Lila Mercedes Encarnacion A. Gepty Presiding Judge ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 75, life imprisonment ang binigay nitong kaparusahan kay Jonnie Badong dahil sa paglabag sa Sec. 5 Art. 2, ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Bukod sa kulong, pinagbabayad din ito ng P500,000 bilang danyos.

Noong December 22, 2013, nadakip si Badong sa buy bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-STOG) sa Sapang Bakaw, Barangay Lawang Bato, Valenzuela City , kunsaan si SPO1 Roberto Santillan ang nagsilbing poseur buyer at bumili ng halagang P500 shabu.

Matapos iaabot ang droga, inaresto na ng mga pulis si Badong at ikinulong.

Tumagal ng mahigit tatlong taon ang paglilitis sa kaso, pero hindi kinatigan ng korte ang depensa ng akusado na bumibili ito ng manok sa Magnolia nang maganap ang pag-aresto sa kanya.

SHARE