Una sa Balita

Habal-habal gawing ligal

0 360

Palala ng palala na umano ang trapiko sa Metro Manila at suma­sablay pa ang mass transit system kaya walang ‘choice’ ang publiko kundi sumakay sa mga motorcycle-for-hire o ‘habal-habal’.

Subalit, ayon kay Senador Sonny Angara, kinokonsidera itong iligal sa ilalim ng Land Transportation and Traffic Code na siyang may kontrol sa registration at operation na lahat ng motor vehicle sa bansa.

Pangkaraniwan na umanong ginagamit ang habal-habal sa maraming­ lalawigan at panguna­hing uri ng transportas­yon lalo na sa mga rural area kaya isinusulong ni Angara na gawing ligal ang operasyon nito sa buong bansa.

Sa Senate Bill 1025, nais ni Angara na ­amiyendahan ang Land Transportation and Traffic Code para payagan ang mga motorsiklo gaya ng habal-habal na magparehistro sa LTO at gamitin bilang commercial vehicle ng mga pa­sahero at pang-transport ng mga kalakal. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy