Una sa Balita

Habagat pinalalakas ng 2 bagyo — PAGASA

By
0 3

Lumakas pa kahapon ang bagyong “Gorio” habang kumikilos papa­labas ng Pilipinas suba­lit isa pang bagyo ang namataan sa labas ng teri­­toryo ng bansa na nagpapalakas sa habagat.

Sa weather bulletin ng Philippine ­Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), alas-kuwatro ng hapon kahapon nang huling namataan ang bagyong “Gorio” sa layong 300 kilometro ng silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na ­hanggang 120 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 145 kilometer per hour. ­Ku­mi­kilos ito sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Tinataya ng ­PAGASA na lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Gorio” sa Linggo.

Samantala, namataan din ng PAGASA sa West Philippine Sea at nasa tina­tayang 600 ­kilometro ng kanluran ng ­Calayan, Cagayan ang isa pang tropical depression subalit nasa labas pa ito ng PAR.

Posible umanong pa­la­­kasin ng ­dalawang bagyo ang umiiral na south­west monsoon o habagat na magdadala ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang mala­kas na pag-ulan sa western Luzon kabilang ang Metro Manila at mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan sa iba pang bahagi ng Luzon.