Una sa Balita

Habagat nagpapa- ramdam na! — PAGASA

By
0 2

Nalalapit na umano ang pagpasok ng tag-ulan sa bansa kasunod ng deklarasyon ng Philippine Atmos­pheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng pagsisimula ng habagat o Southwest Monsoon.

Inihayag ni PAGASA­ Administrator Vicente Malano na may mga indikasyon nang higit na mamayani ngayon ang habagat na magdadala ng pag-ulan.

“This is due to the formation of semi-permanent trough over Northern Luzon-Taiwan area and the eastward migration of North Pacific High Pressure Area which are the prominent indicators of southwest monsoon onset in the country,” ani Malano.

Kabilang din aniya sa mga indikasyon ay ang kondisyon ng panahon sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas ay bahagyang mainit na mayroong paminsan-minsang pag-ulan sa hapon at gabi o madaling-araw na pag-ulan at thunderstorm.