Una sa Balita

H-6K bomber aircraft ng China sa Spratly binakbakan ng mga solon

By
0 1,598

MALINAW na indikasyon nang patuloy na pagpapalakas ng puwersa ng China sa South China Sea ang deployment ng H-6K bomber aircraft sa Spratly.

Ito ang inihayag ni Magdalo Rep. Gary Alejano kasunod nang pag-landing ng H-6K bomber aircraft matapos ang pag-set-up ng China ng missile system noong nakaraang buwan sa naturang isla.

Ang H-6K ay isang strategic bomber na may combat radius na 3,500 km. Ang lawak ng mabobomba ay ang buong teri­toryo ng Pilipinas kaya dapat tayong maalarma.

Bunsod nito, nagpahayag ng pagkondena ang solon sa pinakahuling aksiyon ng China dahil magdudulot na naman aniya ito ng panibagong kaguluhan sa rehiyon.

“We are seeing a clear and present danger. Hanggang kailan mananahimik ang administrasyong Duterte sa usaping ito? Liban na lamang kung ta­lagang nagpagapi na ito sa China at naibenta na ang ating mga teritoryo kapalit ng mga loans na may pa­nganib din na mag­lubog sa atin sa utang,” pahayag ni Alejano.

Sinabi pa ng solon na ang usapin sa militarisasyon ng China sa South China Sea ay hindi lamang problema ng bansa.

“This is a global concern. Right now, the Phi­lippine government is acting selfishly, and foo­lishly, by dismissing the installation of military-grade weapons as something not to be concerned about. With the silence and subservience of the Philippine government to China, we are placing in grave danger not only our country, but also our neighboring nations.

It is a shame and utter disappointment that we have a President who only thinks of protecting his reins to power, instead of protecting his people,” giit pa ng solon.

Maging ang Gabriela Women’s Party (GWP) ay binatikos ang deployment ng nuclear-capable H-6K bombers sa pinag-aagawang West Philippine Sea dahil lalo lamang umano itong magpapataas ng tensiyon sa pagitan ng Pi­lipinas at China at magpapahamak sa kababaihan at mga bata.

“Filipino women and children are being dragged closer to the cusp of military exhibitionism that could turn awry, especially in view of the ongoing US-led Balikatan exercises and with President Duterte welcoming any military intervention on our land. Sa huli, ang mga kababaihan at mamamayang Pilipino ang maiipit dito,” ani Gab­riela Rep. Arlene Brosas.

Nakakagalit aniya na bastos at hindi mapa­kali ang Pangulo sa pa­labang kababaihan pero takot naman sa Tsina at Amerika,” dagdag ni Brosas